Monday, May 30, 2011

Bawal na Pag-ibig



First love ko si Nancy.

Hindi man naging kami sa huli, utang ko sa kanya kung ano man ako ngayon. Oo, inaamin ko marami akong naging ‘crush’ noong mga panahon na yun, pero si Nancy lang ang true love ko.

Sabik na sabik ako noon tuwing darating ang Huwebes ng hapon. Dahil na rin sa 'hectic' ang schedule namin, tuwing Huwebes hanggang Linggo lang kami pwede magkita, minsan sa hapon at gabi lang. Palaging nasa library si Nancy at inaasikaso ang mga tao doon. Ako nman madami ding pinagkakaabalahan sa eskwelahan. Pero sa oras na magkasama kami, lahat ng atensyon namin nakatuon sa isa’t isa. Parang walang ibang bagay sa mundo kundi kaming dalawa lang.

Lagi akong pinapagalitan ng nanay ko noon tuwing gagabihin ako kasama si Nancy. Hindi raw tama. “Don-don, tama na yan, sumosobra ka na!” 12 na taong gulang ako noon at si Nancy naman 18 na. Anim na taon ang agwat ng eded namin. Lahat ng kakilala ko, lagi kaming pinupuna. Pero kahit anong sabihin nila, hindi ko ito pinansin.

Madami kaming pinagdaanan ni Nancy, ilang taon ang lumipas at lalong tumibay ang aming pagsasama.  Walang pagsasawa, palaging may bago. Hanggang sa isang araw bigla nalang siyang hindi dumating sa aming tagpuan. Sobra sobra ang pagaalala ko para sa kanya. Ilang araw akong bumalik sa lugar kung san kami madalas magkita at nagbabakasakaling darating siya. Walang araw akong pinalampas hangang sa matangap ko na hindi na siya babalik.

Ilang buwan na kaming hindi nagkikita ni Nancy. Tadhana nalang siguro ang makakapagdikta kung magkukrus pa ang aming mga landas.

Nang minsang sumama ako sa isang 'field trip', napadaan ako sa isang sikat na bookstore sa SM. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Kaya kahit wala akong balak na pumasok sa bookstore na yun ay nagpaubaya ako sa aking pakiramdam at pumasok ako.

Pagpasok ko sa pinto, nakita ko siya. Ang true love ko.

Napatigil ako sa kinakatayuan ko. Pumayat sya, at pumuti ang kutis.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Waring tumigil ang oras at pati ang ingay sa paligid ay hindi ko napapansin. Makailang beses din ako nabangga ng mga nagmamadaling customer ngunit hindi ko sila inalintana.

Nakaharap siya sa akin at nakatigil sa kinakatayuan niya. Nang makalapit na ako sa kanya, dahan dahan ko syang hinaplos… pinulot….. at binuksan ang mga pahina.

Oh Nancy Drew ng buhay ko, sa wakas nagkita tayong muli.


[re-post from Dolphins' Cry]

..

3 comments:

lindon said...

nice! read nancy drew mystery stories too when i was in high school, really helped me a lot

pmm012 said...

oo nga.. started reading them when i was in 4th grade, finished everything by 1st year high school, i think there were 54 books in out library that time. - then i shifted to the hardy boys mystery series- then to books by sidney sheldon - then to robert ludlum - then to ken follet - then to david baldacci - then to james patterson, throwing a little bit of dan brown's in between.. its along story , but i think you get the point..

liz said...

sino si nancy drew??

Protected by Copyscape Online Infringement Checker