Patuloy ang pag-aalulong ni Sputnik. Animo’y may nag-uudyok sa kanyang gambalain ang natutulog nang mga kapitbahay. Tumingin ako sa orasan, alas diyes na ng gabi. Kailangan kong gumising ng maaga kinabukasan upang sunduin ang aking asawa sa pantalan. Sa ingay na ginagawa ng aking alagang aso, malabo nang mangyari iyon. Hindi na ako makatiis sa ingay na kanyang ginagawa kaya’t minabuti kong lumabas ng bahay at tignan kung ano ang tumatawag ng kanyang pansin. Tinawag ko ang aso, pansamantala itong natigilan nang mapansin niyang lumabas ako ng bahay. Lumingon siya sa aking direksyon, winagayway ang kanyang buntot at lumapit sa akin. Tumahol siya at bumalik sa dati niyang kinatatayuan at pinagpatuloy ang kanyang pag-alulong.
“Sputnik, tigil! Magigising ang mga kapitbahay!”
Nang mga oras na iyon napansin kong bukas na ang ilaw ng kuwarto ng kalapit na bahay, naaninagan ko ang anino ni Aling Belen na dumaan sa harap ng bintana. “Nakita mo nang ginawa mong aso ka, nagising mo na ang kapitbahay,” pabulong kong sinabi kay Sputnik. Lalapitan ko na si Sputnik nang makita ko ang asawa ni Aling Belen na lumabas ng kanilang bakuran.
“Pasensya na po sa ingay ng aso, ipapasok ko nalang siya sa loob,” mabilis kong sinabi.
“Ayos lang iho, hindi rin naman ako makatulog dahil sa init, magpapahangin lang ako sandali,” sagot ng matanda.
Sasabihin ko sanang mag-ingat siya sa paglalakad nang makita kong may umaakay sa kanyang isang matangkad na lalaki. Dumating na marahil ang panganay nilang anak na nag-tratrabaho sa Qatar, ilang taon ko na ding hindi nakikita si Badong at kapansin-pansin ang pinagbago ng kanyang tindig at pangangatawan. Kinawayan ko sila, hinila si Sputnik at pumasok sa bahay.
Tanghali na ako nagising kinabukasan. “Kasalanan mo ito Sputnik,” bulong ko sa aking sarili. Mabilis akong naghilamos at nagbihis. Bumaba ako ng kusina para makapagkape man lang -wala nang oras para mag-almusal, sigurado akong magagalit na naman ang aking asawa kapag nahuli ako sa pagsundo. Iniwan ko ang pinag-inuman ko ng kape sa lababo at binuksan ang pinto palabas ng bahay. Himala, hindi ako inunahan ni Sputnik palabas ng pinto.
“Sputnik!” sigaw ko, “labas na!” Nakayukong naglakad palabas ng bahay ang aso. “Ano bang problema mong aso ka?” Lumabas ako ng bahay, tinali si Sputnik sa balkonahe at naglakad papunta sa terminal ng tricycle.
Naabutan ko si Aling Belen na palabas ng kanilang bakuran. “Pasensya na po sa ingay ng aso ko kagabi. Dumating na po pala si Badong galing Qatar. Daan kamo siya sa bahay kapag may oras siya nang makapagkuwentuhan naman kami.”
“Nakita mo na si Badong?” tanong ng matanda.
“Opo, nakita ko sila ni Mang Jack kagabi habang nagpapahangin,” sagot ko. “Saan po ba kayo papunta ngayon? Sabay na po tayo papunta sa terminal”
Umiling ang matanda, waring naguguluhan.
“May nasabi po ba akong masama?” tanong ko.
“Hindi maaari yang sinasabi mo iho, hindi pa dumarating si Badong dahil kakatawag ko lang sa kanya kagabi,” nagugulumihanang sagot ng matanda.
“Kung ganon, sino po kasama ni Mang Jack?” Bigla akong kinabahan, “nakabalik po ba siya galing sa kanyang paglalakad kagabi?”
Naluha ang matanda. Napatigil sa kanyang kinatatayuan at timingin sa akin, “Iho, patay na ang asawa ko.”
Hindi ako nakapagsalita kaagad. “Ang lalaking yon!” bulong ko.
“Kelangan nating pumunta sa prisinto, nakita kong may kasamang lalaki si Mang Jack kagabi, maaaring siya ang may kagagawan nito!” halos hilahin ko si Aling Belen sa kanyang kinatatayuan.
Patuloy na umiiling ang matanda, “Iho, inatake sa puso si Jack sa kuwarto namin, mga bandang alas diyes ng gabi, hindi ko maintindihan ang sinasabi mo!”
Napatigil ako. Natulala. Waring tumahimik ang paligid habang paulit ulit kong inisip ang sinabi ni Aling Belen. Atake sa puso. Alas diyes. Si Mang Jack.
Nabasag ang katahimikan ng marinig ko ang mahabang alulong ng isang aso.
Si Sputnik.

5 comments:
eeeeeeeee... kakakilabot nman to!
mabuti nman at kinilabutan ka, kinakabahan ako baka walang epek to eh.. salamat!
halaaaaaaaa! mumu!!!!!!! gumaganon kana ngayon ah!! musta ka?!
@iya, ayos lang, gusto ko lang itry na magsulat ng mga kwento..
Post a Comment