[lalaki, pinindot ang Up button ng elevator sa lobby ng condominium]
Guard: Good evening po sir! Late na naman po ang uwi natin ah.
Lalaki: Oo nga eh, napapadalas na nga.
[tumunog ang elevator at bumukas ang pinto, pumasok ang lalaki]
Babae: Kuya, Up po! paki-hold please
[pinigilan ng lalaki ang pagsara ng pinto, pumasok ang babae]
Lalaki: Anong floor miss?
Babae: 23. Salamat ha?
Lalaki: No problem. Parang ngayon lang kita nakita. Matagal ka na ba dito?
Babae: Oo, mag-tatatlong taon na. Ikaw?
Lalaki: Pang-anim na buwan ko palang.
Babae: Ahhh. [napatigil ang babae] .. excuse, may hihilingin sana ako. Medyo natatakot kasi akong mag-isa sa elevator, pwede mo ba akong samahan hanggang sa floor ko?
Lalaki: [napaisip ng konti] Ah.. o sige, matatakutin?
Babae: Uhmmm, medyo.
[Sinamahan ng lalaki ang babae hanggang 23th floor]
[Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto]
Babae: Salamat ha? Uhmmmmm [sumilip sa hallway, bumalik sa loob]... pwede mo ba akong samahan sa paglalakad papunta sa unit ko? Di ko talaga kaya eh..
Lalaki: Ah ok.. anong wing ka ba?
Babae: sa B, sa dulo pa kasi eh. Sorry sa istorbo ah.
[Sinamahan ng lalaki ang babae sa unit, kumatok ang babae at naghintay]
Babae: Naku naman! Sabi ng kaibigan ko nasa bahay na siya, bakit kaya wala pang ilaw sa loob? Naku naman! [nanginginig na sambit ng babae]
Lalaki: Wala ka bang susi sa unit mo?
Babae: Meron, kaso di ko talaga kayang mag-isa eh. Iniisip ko palang kinikilabutan na ako!
Lalaki: Ganun? [nag-isip], gusto mong tumigil muna sa unit ko? - habang wala pa ang kaibigan mo?
Babae: Naku wag na, nakakahiya naman sayo, baka mamaya ipaghain mo pa ko ng hapunan.... teka, kumain ka na ba? Gusto mong dito ka nalang kumain para makabawi naman ako sayo? - at habang hinihintay kaibigan ko [nahiyang pahabol ng babae]
Lalaki: Hindi mo talaga kayang mag-isa? May boyfriend ka ba? Baka mamaya bigla nalang dumating yun, makitang ako lang kasama mo diyan [pabirong sagot ng lalaki]
Babae: Naku! wala. Break na kami. Ano? Pwede ba? Hindi naman siguro aabuting ng isang oras kaibigan ko.
Lalaki: O sige. Pero kumain na ko, wag ka nang mag-abala.
Babae: Nakakahiya naman, pano na ko babawi niyan sayo?
Lalaki: Eh, makikinood nalang ng TV, may inaabangan akong telenobela eh.
Babae: Sureness! Yun lang pala eh. Popcorn, gusto mo? [binuksan ng babae ang pintuan]... Pasok, wag ka mahiya.
Lalaki: Wow, kakaiba design ng unit mo ah. malaki siguro sweldo mo.
Babae: Hay naku, hindi noh! tama lang. At saka ipon namin ng kaibigan ko pinang-finish dito. Oh heto ang remote, bahala ka na, magbibihis lang ako ng pambahay.
[Pumasok ang babae sa kuwarto, ngunit pinabayaang nakabukas ng bahagya ang pintuan. Binuksan ng lalaki ang TV, pinindot ng paulit ulit ang remote, kunyari naghahanap ng channel, pero nakapako ang mata sa bahagyang nakabukas na pintuan]
Lalaki: Ahhh, anong channel dito ang ABS-CBN?
Babae: [pasigaw na sumagot mula sa kwarto] .. Channel 10
[Lumabas ang babae, nakasuot ng manipis na pajama at may karga-kargang malaking stuff toy. Umupo ito sa katabing sofa at tinaas ang paa, habang yakap yakap pa rin ang higanteng laruang oso]
Babae: Salamat ulit ha? Ano nga pangalan mo?
Lalaki: [napangiti - hindi pa nga pala sila nagpapakilala sa isa't isa].. Ronald. Ikaw?
Babae: Nimfa
Ronald: Nice to meet you Nimfa [inabot ang kanang kamay upang makipagkamay]
Nimfa: Nice to meet you too, Ronald [napangiti]
[Tahimik ang mga sumunod na oras. Natapos na ang telenobelang sinusubaybayan ni Ronald ngunit wala pa din ang kaibigan ni Nimfa. Tatanungin na sana ni Ronald si Nimfa ngunit napansin nitong mahimbing na ang tulog nito. Tinitigan ni Ronald si Nimfa at humanga sa simpleng ganda ng dalaga]
Ronald: [sa sarili] Ayos! ano gagawin ko ngayon?
[Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa din dumadating ang kaibigan]
[Nagpasyang mag-iiwan nalang ng sulat si Ronald at umalis. Nakakita ito ng papel at ballpen sa tabi ng telepono at nagsulat ng maiksing mensahe para kay Nimfa. Tahimik na lumabas ng pinto si Ronald, siniguradong naka-lock ang pinto at pumunta sa kanyang unit sa 16th floor]
Kinaumagahan.
[Tok, tok, tok - may kumakatok sa pintuan ni Ronald]
Ronald: Si Nimfa siguro.
[Humarap sa salamin si Ronald upang siguraduhing maayos ang kanyang itsura. Binuksan an pinto]
Babae: Excuse me, ikaw ba si Ronald?
Ronald: Opo, sino po sila?
Babae: Ako si Pamela. May nakita kasi akong sulat sa unit ko, galing sayo - Ronald, Unit 16A. Sayo ba galing to? [nilabas ang piraso ng papel na iniwan niya para kay Nimfa]
Ronald: Ako nga, iniwan ko para kay Nimfa, kasi hindi na kita mahintay kagabi. Eh nakatulog na din siya sa kakahintay kaya nagiwan nlang ako ng sulat. Sobrang matatakutin ng kaibigan mo.
[Dumating ang guwardya]
Pamela: Manong guard, siya nga po. Sa kanya galing tong sulat para kay Nimfa [itinuro si Ronald at umalis].
Guard: Sir, pwede po bang sumama kayo sa akin sa Admin office?
Ronald: Teka! Bakit? Para saan? May nangyari ba? ....... kay Nimfa?
[Natahimik ang gwardya]
Guard: Sir, pasensya na po, sa Admin office nalang tayo magusap.
[Sumama si Ronald sa gwardya. Pagpasok nila ng opisina, tumango ang guwardya sa building manager at lumabas pero nanatiling nakaposte sa labas ng pintuan kasama ang isa pang gwardya. nasa loob na rin si Pamela at umiiyak]
Building Manager: Pasensya na po. Upo po muna kayo, may kailangan lang po tayo pagusapan.
Ronald: Kung ano man iniisip niyong ginawa ko kay Nimfa, nagkakamali po kayo. Iniwan ko lang sya kagabing natutulog sa sala.
[May kinuha sa drawer ang manager at iniabot kay Ronald ang isang lumang dyaryo]
May 18, 2008
"Babae, 27, natagpuang patay sa elevator ng isang condominium sa Makati...."
...

6 comments:
haha, mejo may hint na ako ng konti sa simula palang na parang deads na yung girl.
Gusto ko yung personality ng girl na multo lalo na nung sinabi niyang
"sureness!" ibig sabihin masayahin lang talaga siya. Pero masyado siyang matiwala sa lalaki... kaya din siguro sa na patay or pinatay.
Nice. more pa :D
medyo give-away ba? hehe.. ang hirap talagang magpaikot ng storya, mahirap kontrolin ang naiisip at mararamdaman ng nagbabasa..
ayoko nang sumakay ng elevator na may kasamang babaeng hindi ko kilala! asar!
sa una parang horror something, then sa kalagitnaan akala ko love story na with sex scene. nyahaha jokeness! ang seriously ang cool naman ng multo na si nimfa. matatakutin na multo at mahilig sa stuffed toy. pero pwede naman yun sa mga fiction stories, ghost at buhay na tao nagkagustuhan? hahaha
@lindon, apektado ka din? ibig sabihn kahit papano effective tong sinusulat ko.. haha
@karen, tumpak, lahat pwede.. nakakatuwang isipin na kaya mong maapektuhan ang mga nagbabasa kahit sa isang linya lang sa kwento mo, nag-iiba kaagad ng direksyon..
sana mameet ko din si Nimfa.. mukha namang harmless sya eh. LOL!
Post a Comment