Wednesday, June 22, 2011

Hirit ka pa?

Namumuti na ang mga mata ni Mia sa kakahintay. Halos 30 minutes nang late si Alvin - ang usapan, magkikita sila sa foodcourt ng 6:00PM para makapwesto ng maayos sa papanoorin nilang pelikula. Malapit na magsimula ang palabas pero wala pa rin ni anino ng kanyang boyfriend. Lalo nang uminit ang ulo ni Mia nang tignan niya ang kanyang cellphone at wala man lang kahit isang text o tawag. Hindi na nito napigilan ang sarili at gigil na gigil na tinawagan si Alvin.

kring kring kring kring [aba! at ang tagal sagutin!] kring kring kring ... kring!!!!! 

"The subscriber cannot be reached. Please try again later"

[dial ulit] kring kring kring kring!!!

Alvin: Hello hon?

Mia: BAKIT DI MO AGAD SINASAGOT TELEPONO MO?!!

Alvin: Ah, e kasi, di ko naririnig eh, nakasilent..

Mia: NAKALIMUTAN MO NA BANG MAY LAKAD TAYO NGAYON, MINSAN NA NGA LANG TAYO MAGKITA, NAGPAPAIMPORTANTE KA PA?!!

Alvin: Teka lang hon [may mga dumadaan na tricycle sa background]....

Mia: ANONG TEKA TEKA! NASAAN KA NA BA?!!!!

Alvin:  Nasa puso mo. San pa ba??.....

Mia: -----------------------  ( : p)


8 comments:

She said...

yeessssss.. hirit ka pa mia??

rah said...

Mia: Hindi ka ba napapagod? Kanina ka pa tumatakbo sa isip ko! :D

*the movie starts...

nagmotel nalang sila (?)


:) fan fiction. hehe

julipie said...

parang totoong nangyari to... kilala ko ang name ng totoong characters :D

BatangGala said...

haha:)) yan ang mga banat na tagapagligtas ng buhay! :DDD

an_indecent_mind said...

BWAHAHAHA!! langyang SA PUSO MO yan! lol

rainbow box said...

sa puso sa puso... Late pa rin cya. Hmp! Lolz.

Katherine said...

wapak na sagot yan. haha. pero tama. LATE PA RIN SYA! :P

moredrafts said...

Mia wag padala sa hirit. kailangan kastuguhin ang late. haha loljk