Wednesday, June 22, 2011

Hirit ka pa?

Namumuti na ang mga mata ni Mia sa kakahintay. Halos 30 minutes nang late si Alvin - ang usapan, magkikita sila sa foodcourt ng 6:00PM para makapwesto ng maayos sa papanoorin nilang pelikula. Malapit na magsimula ang palabas pero wala pa rin ni anino ng kanyang boyfriend. Lalo nang uminit ang ulo ni Mia nang tignan niya ang kanyang cellphone at wala man lang kahit isang text o tawag. Hindi na nito napigilan ang sarili at gigil na gigil na tinawagan si Alvin.

kring kring kring kring [aba! at ang tagal sagutin!] kring kring kring ... kring!!!!! 

"The subscriber cannot be reached. Please try again later"

[dial ulit] kring kring kring kring!!!

Alvin: Hello hon?

Mia: BAKIT DI MO AGAD SINASAGOT TELEPONO MO?!!

Alvin: Ah, e kasi, di ko naririnig eh, nakasilent..

Mia: NAKALIMUTAN MO NA BANG MAY LAKAD TAYO NGAYON, MINSAN NA NGA LANG TAYO MAGKITA, NAGPAPAIMPORTANTE KA PA?!!

Alvin: Teka lang hon [may mga dumadaan na tricycle sa background]....

Mia: ANONG TEKA TEKA! NASAAN KA NA BA?!!!!

Alvin:  Nasa puso mo. San pa ba??.....

Mia: -----------------------  ( : p)


Thursday, June 2, 2011

Sandaling Ligaya

Sa isang ospital, may dalawang pasyente na kapwa nadapuan ng parehong karamdaman at kasalukuyang naghihintay na lamang sa napipintong wakas. Kahit hindi napag-uusapan, batid nila ang pagiging malapit sa isa't-isa. Sa mga huling sandali ng buhay, isang kayamanan ang makatagpo ng pag-ibig - totoong pag-ibig, hindi madamot, hindi mapanghusga.

Parehong ulila sa pamilya, wala na silang pwedeng paghugutan ng lakas ng loob kundi ang isa't-isa. Isang hapon, sa hardin ng ospital, nagkita ang dalawa.

"Kumusta ka na?" tanong ng lalaki.

"Mabuti naman, ikaw?" tugon ng isa.

"Ganun pa din naman, pareho lang din ng kahapon, at pareho lang din ng patutunguhan," sagot naman ng lalaki.

"Ikaw naman, huwag mo nang ipaalala yan. I-enjoy nalang natin ang natitira pang oras." sabi ng babae sabay kindat.

Napangiti ang lalaki. Umupo ang dalawa sa tabi ng maliit na fountain, tahimik at waring kuntento na na magkasama silang dalawa.

"Gusto mo ba akong samahan sa kuwarto ko mamaya?" Biglang naitanong ng lalaki. Nagulat ang babae at waring napaisip kung ano ang kanyang isasagot. "Hindi ba bawal yun? at saka nakakahiya," mahinhing sagot ng babae.

"Sige na, para may magawa naman tayong iba, nakakasawa na din dito sa hardin, hindi pa tayo makapag-usap ng walang umiistorbo sa atin, at saka may gusto sana akong ipakita sayo," depensa ng lalaki.

Nagkulay rosas ang pisngi ng babae, kunyaring nag-isip ng isasagot at sinabing "O sige, puntahan nalang kita mamaya pagkatapos ng hapunan."

Naghiwalay ang dalawa na may mga ngiti sa labi.

Pagkatapos ng hapunan, pumunta ang babae sa silid ng lalaki at kumatok. "Pasok," tugon ng lalaki mula sa kabila. Dahan dahang binuksan ng babae ang pinto, pumasok at sumilip sa labas bago tuluyang isinara at ikandado ang pinto.

Hindi makatingin ng diretso ang babae sa lalaki. Ilang sandali pa ang lumipas bago nakuhang basagin ng lalaki ang katahimikan. "Salamat at pumunta ka." Umupo ito sa gilid ng kanyang higaan at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. "Tabihan mo ako dito, pero pakipatay mo muna ang ilaw". Nakita ng lalaki na medyo nahihiya ang babae kaya pahabol na nagsabi, "Baka kasi biglang kumatok ang mga nurse kapag nakitang nakabukas pa ang ilaw ko. Alam mo naman ang mga yun"

Kunwaring nag-alangan ang babae, at pinatay ang ilaw. "Halika na rito sa tabi ko," udyok ng lalaki. Dahan dahang lumapit ang babae sa lalaki at umupo sa tabi nito.

Nakaupo lamang ang dalawa, naghihintayan. "Ano ba yung sinasabi mo kaninang ipapakita sa kin?" nakuha ding magsalita ng babae. May kaunti pang liwanag na tumatagos mula sa mga ilaw sa labas kaya't kinuha ng lalaki ang kumot at itinaklubong sa kanilang dalawa. "Halika, lumapit ka pa dito," bulong ng lalaki. Lumapit ang babae, "Lapit pa."

Halos magkadikit na ang mukha ng dalawa. Dahan dahang nilapit ng lalaki ang kanyang kamay sa at pabulong nitong sinabi. "Tignan mo itong relo ko oh, umiilaw!"

"Wow!!! Ang galeng!!! Cool!!!"


...



Wednesday, June 1, 2011

Escape



Days. Months. Years of frustrations behind me.


Abandoned interest and would-be triumphs.


Disappointments. Personal and professional.


Nothing ever seem to fit. And I'm filled to the brink.


I need a release. Freedom from it all.


Here. Now. I'll end it.


With the rest of the world below me.


Me - even just for a moment, at the top.


Nearing the edge, I breathe.


This will be my release. My freedom.


Small but determined steps. Just a little bit more.


Feeling the wind, nothing else.


I hear only my heartbeat.


Just have to let go of it all.


I closed my eyes, and jumped.




I hear the wind howling...



My heart thumping...




And my voice...




Bungeeeeeeeee!




..

Monday, May 30, 2011

Bawal na Pag-ibig



First love ko si Nancy.

Hindi man naging kami sa huli, utang ko sa kanya kung ano man ako ngayon. Oo, inaamin ko marami akong naging ‘crush’ noong mga panahon na yun, pero si Nancy lang ang true love ko.

Sabik na sabik ako noon tuwing darating ang Huwebes ng hapon. Dahil na rin sa 'hectic' ang schedule namin, tuwing Huwebes hanggang Linggo lang kami pwede magkita, minsan sa hapon at gabi lang. Palaging nasa library si Nancy at inaasikaso ang mga tao doon. Ako nman madami ding pinagkakaabalahan sa eskwelahan. Pero sa oras na magkasama kami, lahat ng atensyon namin nakatuon sa isa’t isa. Parang walang ibang bagay sa mundo kundi kaming dalawa lang.

Lagi akong pinapagalitan ng nanay ko noon tuwing gagabihin ako kasama si Nancy. Hindi raw tama. “Don-don, tama na yan, sumosobra ka na!” 12 na taong gulang ako noon at si Nancy naman 18 na. Anim na taon ang agwat ng eded namin. Lahat ng kakilala ko, lagi kaming pinupuna. Pero kahit anong sabihin nila, hindi ko ito pinansin.

Madami kaming pinagdaanan ni Nancy, ilang taon ang lumipas at lalong tumibay ang aming pagsasama.  Walang pagsasawa, palaging may bago. Hanggang sa isang araw bigla nalang siyang hindi dumating sa aming tagpuan. Sobra sobra ang pagaalala ko para sa kanya. Ilang araw akong bumalik sa lugar kung san kami madalas magkita at nagbabakasakaling darating siya. Walang araw akong pinalampas hangang sa matangap ko na hindi na siya babalik.

Ilang buwan na kaming hindi nagkikita ni Nancy. Tadhana nalang siguro ang makakapagdikta kung magkukrus pa ang aming mga landas.

Nang minsang sumama ako sa isang 'field trip', napadaan ako sa isang sikat na bookstore sa SM. Bigla akong nakaramdam ng panlalamig at tumayo ang mga balahibo ko sa batok. Kaya kahit wala akong balak na pumasok sa bookstore na yun ay nagpaubaya ako sa aking pakiramdam at pumasok ako.

Pagpasok ko sa pinto, nakita ko siya. Ang true love ko.

Napatigil ako sa kinakatayuan ko. Pumayat sya, at pumuti ang kutis.

Dahan dahan akong lumapit sa kanya. Waring tumigil ang oras at pati ang ingay sa paligid ay hindi ko napapansin. Makailang beses din ako nabangga ng mga nagmamadaling customer ngunit hindi ko sila inalintana.

Nakaharap siya sa akin at nakatigil sa kinakatayuan niya. Nang makalapit na ako sa kanya, dahan dahan ko syang hinaplos… pinulot….. at binuksan ang mga pahina.

Oh Nancy Drew ng buhay ko, sa wakas nagkita tayong muli.


[re-post from Dolphins' Cry]

..

Sunday, May 29, 2011

Elevator

[lalaki, pinindot ang Up button ng elevator sa lobby ng condominium]

Guard: Good evening po sir! Late na naman po ang uwi natin ah.

Lalaki: Oo nga eh, napapadalas na nga.

[tumunog ang elevator at bumukas ang pinto, pumasok ang lalaki]

Babae: Kuya, Up po! paki-hold please

[pinigilan ng lalaki ang pagsara ng pinto, pumasok ang babae]

Lalaki: Anong floor miss?

Babae: 23. Salamat ha?

Lalaki: No problem. Parang ngayon lang kita nakita. Matagal ka na ba dito?

Babae: Oo, mag-tatatlong taon na. Ikaw?

Lalaki: Pang-anim na buwan ko palang.

Babae: Ahhh. [napatigil ang babae] .. excuse, may hihilingin sana ako. Medyo natatakot kasi akong mag-isa sa elevator, pwede  mo ba akong samahan hanggang sa floor ko?

Lalaki: [napaisip ng konti] Ah.. o sige, matatakutin?

Babae: Uhmmm, medyo.

[Sinamahan ng lalaki ang babae hanggang 23th floor]


[Tumunog ang elevator at bumukas ang pinto]

Babae: Salamat ha? Uhmmmmm [sumilip sa hallway, bumalik sa loob]... pwede mo ba akong samahan sa paglalakad papunta sa unit ko? Di ko talaga kaya eh..

Lalaki: Ah ok.. anong wing ka ba?

Babae: sa B, sa dulo pa kasi eh. Sorry sa istorbo ah.

[Sinamahan ng lalaki ang babae sa unit, kumatok ang babae at naghintay]

Babae: Naku naman! Sabi ng kaibigan ko nasa bahay na siya, bakit kaya wala pang ilaw sa loob? Naku naman! [nanginginig na sambit ng babae]

Lalaki: Wala ka bang susi sa unit mo?

Babae: Meron, kaso di ko talaga kayang mag-isa eh. Iniisip ko palang kinikilabutan na ako!

Lalaki: Ganun? [nag-isip], gusto mong tumigil muna sa unit ko? - habang wala pa ang kaibigan mo?

Babae: Naku wag na, nakakahiya naman sayo, baka mamaya ipaghain mo pa ko ng hapunan.... teka, kumain ka na ba? Gusto mong dito ka nalang kumain para makabawi naman ako sayo?  - at habang hinihintay kaibigan ko [nahiyang pahabol ng babae]

Lalaki: Hindi mo talaga kayang mag-isa? May boyfriend ka ba? Baka mamaya bigla nalang dumating yun, makitang ako lang kasama mo diyan [pabirong sagot ng lalaki]

Babae: Naku! wala. Break na kami. Ano? Pwede ba? Hindi naman siguro aabuting ng isang oras kaibigan ko.

Lalaki: O sige. Pero kumain na ko, wag ka nang mag-abala.

Babae: Nakakahiya naman, pano na ko babawi niyan sayo?

Lalaki: Eh, makikinood nalang ng TV, may inaabangan akong telenobela eh.

Babae: Sureness! Yun lang pala eh. Popcorn, gusto mo? [binuksan ng babae ang pintuan]... Pasok, wag ka mahiya.

Lalaki: Wow, kakaiba design ng unit mo ah. malaki siguro sweldo mo.

Babae: Hay naku, hindi noh! tama lang. At saka ipon namin ng kaibigan ko pinang-finish dito. Oh heto ang remote, bahala ka na, magbibihis lang ako ng pambahay.

[Pumasok ang babae sa kuwarto, ngunit pinabayaang nakabukas ng bahagya ang pintuan. Binuksan ng lalaki ang TV, pinindot ng paulit ulit ang remote, kunyari naghahanap ng channel, pero nakapako ang mata sa bahagyang nakabukas na pintuan]

Lalaki: Ahhh, anong channel dito ang ABS-CBN?

Babae: [pasigaw na sumagot mula sa kwarto] .. Channel 10

[Lumabas ang babae, nakasuot ng manipis na pajama at may karga-kargang malaking stuff toy. Umupo ito sa katabing sofa at tinaas ang paa, habang yakap yakap pa rin ang higanteng laruang oso]

Babae: Salamat ulit ha? Ano nga pangalan mo?

Lalaki: [napangiti - hindi pa nga pala sila nagpapakilala sa isa't isa].. Ronald. Ikaw?

Babae: Nimfa

Ronald: Nice to meet you Nimfa [inabot ang kanang kamay upang makipagkamay]

Nimfa: Nice to meet you too, Ronald [napangiti]

[Tahimik ang mga sumunod na oras. Natapos na ang telenobelang sinusubaybayan ni Ronald ngunit wala pa din ang kaibigan ni Nimfa. Tatanungin na sana ni Ronald si Nimfa ngunit napansin nitong mahimbing na ang tulog nito. Tinitigan ni Ronald si Nimfa at humanga sa simpleng ganda ng dalaga]

Ronald: [sa sarili] Ayos! ano gagawin ko ngayon?

[Ilang minuto pa ang lumipas ngunit hindi pa din dumadating ang kaibigan]

[Nagpasyang mag-iiwan nalang ng sulat si Ronald at umalis. Nakakita ito ng papel at ballpen sa tabi ng telepono at nagsulat ng maiksing mensahe para kay Nimfa. Tahimik na lumabas ng pinto si Ronald, siniguradong naka-lock ang pinto at pumunta sa kanyang unit sa 16th floor]

Kinaumagahan.

[Tok, tok, tok - may kumakatok sa pintuan ni Ronald]

Ronald: Si Nimfa siguro.

[Humarap sa salamin si Ronald upang siguraduhing maayos ang kanyang itsura. Binuksan an pinto]

Babae: Excuse me, ikaw ba si Ronald?

Ronald: Opo, sino po sila?

Babae: Ako si Pamela. May nakita kasi akong sulat sa unit ko, galing sayo - Ronald, Unit 16A. Sayo ba galing to? [nilabas ang piraso ng papel na iniwan niya para kay Nimfa]

Ronald: Ako nga, iniwan ko para kay Nimfa, kasi hindi na kita mahintay kagabi. Eh nakatulog na din siya sa kakahintay kaya nagiwan nlang ako ng sulat. Sobrang matatakutin ng kaibigan mo.

[Dumating ang guwardya]

Pamela: Manong guard, siya nga po. Sa kanya galing tong sulat para kay Nimfa [itinuro si Ronald at umalis].

Guard: Sir, pwede po bang sumama kayo sa akin sa Admin office?

Ronald: Teka! Bakit? Para saan? May nangyari ba? ....... kay Nimfa?

[Natahimik ang gwardya]

Guard: Sir, pasensya na po, sa Admin office nalang tayo magusap.

[Sumama si Ronald sa gwardya. Pagpasok nila ng opisina, tumango ang guwardya sa building manager at lumabas pero nanatiling nakaposte sa labas ng pintuan kasama ang isa pang gwardya. nasa loob na rin si Pamela at umiiyak]

Building Manager: Pasensya na po. Upo po muna kayo, may kailangan lang po tayo pagusapan.

Ronald: Kung ano man iniisip niyong ginawa ko kay Nimfa, nagkakamali po kayo. Iniwan ko lang sya kagabing natutulog sa sala.

[May kinuha sa drawer ang manager at iniabot kay Ronald ang isang lumang dyaryo]

May 18, 2008


"Babae, 27, natagpuang patay sa elevator ng isang condominium sa Makati...."

...








Saturday, May 28, 2011

What's in you?



I'm a coffee addict. I take no less than two cups a day
I like it sweet
I like it strong
I like it thick
I like it hot
I like it black, or not

I'm a coffee addict. I take no less than two cups a day
Blended with mushrooms
Blended with mint
Blended with white chocolate
Blended with booze
Heck, even blended it with the Durian fruit

I'm a coffee addict, I take no less than two cups a day
It could've been tea
It could've been milk 
It coul’ve been chocolate
It could’ve been juice
It could’ve been plain H2O

But I’m a coffee addict. I take no less than two cups a day
And theres Coke too
But anyway, I’m a coffee addict
So how about you? Do you want to brew?



Thursday, May 26, 2011

Tinola -Easy recipe for today’s fast-paced lifestyle




Ingredients:


1/2 kilo chicken, sliced                                                  3 cups water
1 Tbsp. ginger, minced                                                  1 tsp. salt
1 medium sized onion, sliced                                         fish sauce, to taste
1 cup, malungay/sili leaves                                             1 tsp. whole peppercorns
1 small sized papaya or sayote, sliced                            2 tsp. cooking oil

Procedure:
[Read all the instruction first to properly prepare kitchen tools and ingredients]
1. Mix salt and chicken.
2. Heat the pan and add cooking oil. Add ginger and onion.
3. Add chicken when onion caramelizes. Mix, then cover for about 10-15 minutes in medium heat.
4. Add water, peppercorns and papaya/sayote. Add fish sauce to taste.
5. Cover and simmer for another 10-15 minutes.
6. Turn off heat, add malungay/sili leaves then cover. Add fish sauce to taste.
7. Now that you know how to cook Tinola, boil water on a separate pan. Read and understand the next two steps then close this cooking guide.
8. Open lid of chicken-flavored instant noodles and pour boiling water up to the indicated line.
9. Wait for about 3 minutes and serve.

..
Protected by Copyscape Online Infringement Checker